Sisimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang pagpapatupad ng speed limit sa mga pampublikong bus na bumabagtas sa mga kalsada ng Metro Manila.
Dahil dito, sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na kanila nang oobligahin ang mga bus companies ang na magkabit ng Global Positioning System o GPS sa lahat ng kanilang mga unit.
Layon nito ani Ginez na mamonitor ang bilis ng mga bus na babaybay sa mga kalsada sa Kamaynilaan kahit walang traffic enforcer na nagbabantay.
Unang ipatutupad sa mga provincial bus ang paghihigpit mula Setyembre ngayong taon hanggang sa Pebrero ng susunod na taon habang Enero hanggang Abril naman sa susunod na taon ang sa mga city buses.
By Jaymark Dagala