Ipatatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang Grab driver na inireklamo dahil sa pagkuha nito ng larawan sa kanyang pasaherong babae na nakatulog sa gitna ng biyahe.
Kamakailan ay dumulog sa National Bureau of Investigation o NBI ang naturang pasahero para isumbong ang umano’y ginawang pambabastos sa kanya ng isang Grab driver.
Batay sa ulat ng biktima, nakatulog siya sa sinasakyan habang papauwi noong Abril 13 ng madaling araw ngunit paggising niya ay di pa rin siya nakararating sa kanilang tahanan.
Dahil low bat na ang kaniyang cellphone, nanghiram ang biktima sa driver para sana magpasundo sa kaibigan ngunit nalimutan nito na makapag-log out.
Nabatid niya kinabukasan na kinuhanan pala siya ng tsuper ng mga maseselang litrato habang siya’y tulog sa kotse at pinadala ito sa mga kaibigan.
Una nang sinabi ni Grab country Head Brian Cu na “banned” na sa kanila ang nasabing driver matapos nila itong imbestigahan.
—-