Patay na nang natagpuan ang isang babaeng Grab driver na halos isang linggo nang nawawala.
Nadiskubre ang bangkay ni Maria Cristina Palanca sa isang condominium unit sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal.
Nakita sa ilalim ng lababo ang bangkay ni Palanca matapos magreklamo ang ibang nakatira sa condo na tila may mabahong amoy na nanggagaling sa isang unit.
Ayon sa mga otoridad, nagtungo si Palanca sa isang condo sa Cainta at umakyat sa unit ang isang Paolo Largado.
Makalipas ang isang oras ay nakita sa CCTV na lumabas sa condo si Largado.
Samantala, nawawala naman ang kotseng minamaneho ni Palanca at hindi na rin ito ma-trace sa GPS.
Grab gumagawa na ng hakbang
Gumagawa na ng hakbang ang Grab Philippines para maprotektahan ang kanilang mga driver partner.
Ito’y sa gitna na rin ng mga pagpatay at pagkawala ng ilang driver ng Grab.
Ayon kay Brian Cu, country head ng Grab Philippines, sinisikap nilang salain ang mga pasahero.
Ngunit aniya may ilang pasahero na gumagamit ng ibang pangalan sa Grab platform.