May karapatan ang mga Grab drivers na magkansela ng biyahe kung hinihinalang may 2019 novel coronavirus (nCoV) ang pasahero.
Reaksyon ito ng Grab matapos kumalat sa social media ang screenshot ng drivers na sinasabihan ang kanilang pasahero na kanselahin ang biyahe.
Gayunman, sinabi ng Grab na dapat itong gawin ng magalang at sa paraang hindi nagpapakita ng diskriminasyon sa pasahero.