Bahagyang binawasan ng ride hailing company na Grab ang kanilang surge rate mula sa dating times 2 ay ginawa na lamang itong 1.6 times.
Kasunod ito ng inaprubahang 2 pesos per minute travel rate ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa lahat ng TNCs o Transport Network Companies.
Ayon kay Grab Spokesperson Leo Gonzales, layon nitong tulungang makapag adjust ang mga pasahero sa pagtaas ng pasahe.
Ang travel rate ay additional charge per minute na ipinapataw sa pasahe simula sa pagsakay hanggang sa pagdating sa destinasyon.