Ipatutupad na ng Grab Philippines ang magkahiwalay na refund na iniutos ng Philippine Competition Commission (PCC).
Batay sa anunsyo ng Grab, matatanggap ng mga pasahero ang kanilang refund sa pamamagitan ng Grab Pay Wallet Account simula sa katapusan ng taon.
Umaabot umano sa P5-milyong ang ire-refund ng Grab para sa mga nagbook ng Grab Car simula February 10 hanggang May 10.
Nasa mahigit P14-milyon naman ang refund para sa mga pasaherong nag book ng Grab Car simula May 11 hanggang August 11.