Muling tiniyak ng Grab Philippines ang suporta nila sa pagpapatupad ng anti-distracted driving law.
Sa katunayan, sinabi ni Leo Gonzales, public affairs manager ng Grab Philippines na pagkapasa pa lamang ng batas noong nakaraang taon ay naabisuhan na nila ang lahat ng drivers ng Grab.
Tinukoy ni Gonzales ang pagbabawal sa anumang makakapukaw sa atensyon ng driver habang nagmamaneho.
“Number one, dapat clear ang ating windshield walang obstruction to the line of sight, number two, ang mga devices ay hindi rin dapat ilagay sa baba na kailangan pang yumuko ang driver. It has to be placed very near sa line of sight na hindi na igagalaw ang ulo at lumihis pa ang mata sa kalye. Sinabi rin namin na kung gagamit ng Waze app kung maghahanap ng ruta ay dapat itabi muna ‘yung sasakyan.”
Aminado si Gonzales na marami ang maninibago sa pagsunod sa anti-distracted driving law subalit maganda anya ito para sa kapakanan at kaligtasan ng lahat mula sa aksidente sa kalsada.
“For sure, maninibago ‘yung mga drivers like any motorist would do dahil mayroon nang batas na kailangan nilang i-comply. Pero ganun talaga, per something as critical as protecting human life, sapat na po iyan.”
By Len Aguirre
Grab PH muling tiniyak ang kanilang suporta sa anti-distracted driving law was last modified: May 18th, 2017 by DWIZ 882