Naghain na ang transport network company na Grab Philippines ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang ihirit ang 5% na dagdag sa kanilang pasahe.
Sa apat (4) na pahinang petisyon, ipinunto ng Grab na ang hirit na dagdag pasahe ay bunsod ng naka-umang na dagdag excise tax sa mga produktong petrolyo matapos ang ipinadang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Sa ilalim ng TRAIN Law, madaragdagan ng P7.00 na buwis ang kada litro ng gasolina.
Dahil dito, hiniling ng Grab sa LTFRB ang dagdag na P11.00 hanggang P15.00 na charge sa kada kilometro mula sa kasalukyang P10.00 hanggang 14.00 sa base rate na P40.00.
Inihirit din ng naturang kumpanya ang increase sa per-minute charge o P2.10 mula sa kasalukyang P2.00.