Nanawagan ang Grab Philippines sa transport network vehicle services (TNVS) community na huwag nang ituloy ang ikinakasang tigil-pasada sa Lunes.
Ayon kay Grab Philippines Public Affairs Manager Atty. Nicka Hosaka, dapat ay hindi gumagawa ng anumang aktibidad ang TNVS community na makaapekto sa napakaraming pasahero.
Giit ni Hosaka, maaari namang idaan sa dayalogo at hindi sa tigil-pasada kung may mga problemang kinakaraharap ang TNVS community.
Ang transport holiday na isasagawa ng mga TNVS ay bilang protesta sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa anila ay pahirap na mga polisiya at mabagal na proseso sa mga aplikasyon para sa provisional authority.