Mahigit tatlong taon nang hindi sinusunod ng Grab Philippines ang kautusan ng LTFRB na tanggalin ang kanilang feature na nagiging dahilan ng pagtanggi ng mga drivers nito sa mga nagbo-book na pasahero.
Ayon kay PBA Partylist Representative Jericho Nograles, kasunod na rin ng insidenteng kinasasangkutan ng isang Grab driver na nag-utos sa kanyang pasahero na kanselahin na lamang ang naka book nitong trip para hindi mapatawan ng penalty.
Sinabi ni Nograles, setyembre pa noong 2015 nang inatasan ng LTFRB ang Grab Philippines na alisin ang feature na nagpapakita sa mga drivers ng destinasyon ng pasahero at presyo ng pasahe.
Naniniwala aniya ang LTFRB na kapag alam ng mga drivers ang destinasyon at presyo ng pasahe, mas mataas ang tukso sa mga ito na tumanggi sa mga pasahero.
Dagdag pa ni Nograles, malinaw aniya na nagkaroon ng panibagong paglabag ang Grab Philippines.