Hinimok ng Grab Philippines ang kanilang mga mananakay na iwasang ilagay ang EDSA bilang pick up point at destinasyon.
Kasabay ito ng ipinatutupad na dry run ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority para sa high occupancy vehicle scheme sa kahabaan ng EDSA simula ngayong araw.
Sa ipinalabas na abiso, pinayuhan ng Grab ang kanilang mga subscribers na iwasan munang magpasundo o magpahatid sa EDSA tuwing rush hours o mula alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at mula ala-6:00 hanggang alas-9:00 ng gabi.
Ito ay para na rin anila maiwasang mahuli at makalabag sa bagong batas trapiko ang kanilang mga drivers.
—-