Inihirit ng Grab Philippines sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na itaas sa 75,000 sa halip na 45,000 ang bilang ng Transport Network Vehicles sa Metro Manila.
Ayon kay Grab Philippines head Brian Cu, hindi sapat ang nasa 45,000 bumibyaheng T.N.V. kaya’t magsusumite sila ng isang masterlist ng mga driver.
Ipinako naman ng L.T.F.R.B. sa 500 ang bilang ng mga T.N.V. sa Metro Cebu habang 200 sa Pampanga.
Sa kabila ng limitasyon ng bilang mga sasakyang papayagang bumiyahe, sisimulan ng ahensya na tumanggap ng franchise applications para sa TNV permit simula sa Lunes, Pebrero a-Singko.
Dapat anyang ikunsidera ng L.T.F.R.B. ang paggamit sa isang master list ng mga aktibong driver na i-pa-prayoridad sa pagkuha ng franchise applications para sa TNV permit simula sa Pebrero a-Singko.