Sumailalim na sa quarantine ang isang Grab driver sa Pampanga na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa pamunuan ng Grab Philippines, matapos nilang matanggap ang ulat kaugnay sa nagpositibo nilang driver-partner agad nilang ipinasailalim ito sa 14-day quarantine para makatanggap ng atensyong medikal.
Kasabay nito tiniyak ng Grab Philippines na makatatanggap ng financial support mula sa kumpanya ang naturang driver.
Sinabi rin ng Grab na tutulungan nila na ma-disinfect ang sasakyan ng driver katuwang ang mga health at local government officials.