Opisyal nang sinuportahan ng Nationalist People’s Coalition o NPC ang tambalang Poe – Escudero sa May 2016 elections.
Ayon kay NPC President Giorgidi Aggabao, ang naturang tambalan ang nakatanggap ng pinakamaraming pagsuporta mula sa kanilang mga miyembro matapos ang ilang buwang pagbusisi at pagsala sa mga kandidato.
Minaliit naman ng iba pang presidential candidate ang nasabing pag-ampon ng NPC.
Ayon sa kampo nina Vice President Jejomar Binay at Mar Roxas, ito ay dahil hindi naman nakuha ng tandem ang 100 porsyentong endorsement ng grupo.
Inamin ng NPC na mayroong 10 porsyento ng kanilang miyembro ang tumututol at hindi sumusuporta sa Poe – Escudero tandem.
By Rianne Briones