Panimulang proseso para sa hangaring pamunuan ang bansa ang paghahain ng COC o certificate of candidacy.
Binigyang diin ito ni Senador Grace Poe matapos maghain ng COC kaninang pasado alas-3:00 ng hapon kasama ang ka-tandem na si Senador Francis Escudero.
Ayon kay Poe, handa na sila ni Escudero sa kampanya para ipabatid sa publiko ang kanilang plataporma de gobyerno na nakatutok sa poverty alleviation at genuine inclusive growth.
Sinabi ni Poe ang kanilang liderato ay hindi magpapaapekto sa petty politics at dirty tactics.
Inihayag naman ni Escudero na hindi biglaan ang pagtatandem nila ni Poe dahil matagal na nilang pinag-usapan ang nabuong gobyernong may puso.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)