Nakahanda si Grace Lee na i – give up ang kanyang korean citizenship para maging isang ganap na Filipino.
Parehong korean nationals ang magulang ni Grace pero mas pinili nitong manirahan sa Pilipinas.
Si Grace ang kauna – unahang Korean TV host sa bansa ngunit pansamantala itong namahinga sa hosting para tumutok siya sa kanyang mga negosyo.
Sa ngayon, sinabi ni Grace na plano na niyang bumalik sa hosting pero handa na rin umano siyang sumabak sa pag- arte at pagkanta.
Focus niya umano ngayon ang kanyang career at wala siyang lovelife.
Matatandaang huling na – link si Grace kay Dating Pangulong Noynoy Aquino.