Posibleng pahabain ang grace period sa pagbabayad ng bill sa kuryente at tubig ng mga apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ang inihayag ng Energy Regulatory Commission (ERC) ngayong pinag-aaralan na ng mga otoridad kung ilang buwan ang ibibigay nilang palugit.
Bukod dito, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na pumayag na rin ang mga distribution utilities na huwag nang i-adjust ang bill deposit ng customer at tanggalin ang ilang charge.
Pinag-aaralan na rin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office ang hinggil sa pagbibigay ng grace period at pagtanggal ng penalty at surcharges sa mga hindi makabayad sa singil sa tubig.
Kasabay nito, tiniyak ng MWSS na walang mapuputulan ng tubig sa gitna ng ECQ.