Nakabalik sa unang puwesto sa Boses ni Juan 2016 Presidential Survey si Senador Grace Poe.
Dalawampu’t walo (28) percent ng kabuuang botong nakalap sa Boses ni Juan sa nagdaang tatlong linggo ay nakuha ni Poe.
Muli ring nakaangat sa ikalawang puwesto sa hanay ng presidentiable si Vice President Jejomar Binay samantalang nasa ikatlong puwesto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Halos 25 porsyento ng mga botong nakalap sa nagdaang tatlong linggo ay nakuha ni Binay samantalang nasa 16 na porsyento ang kay Duterte.
Nasa malayong ika-apat na puwesto si Senador Bongbong Marcos na nakakuha ng 7 porsyento, Sec. Mar Roxas sa ika-limang puwesto, Senador Miriam Santiago sa ika-anim na puwesto, ika-pitong puwesto si dating Senador Panfilo Lacson, pang-walo si Senador Francis Escudero, at pang-siyam si Manila Mayor Joseph Estrada.
Sa hanay ng Vice Presidentiable, nangunguna pa rin si Senador Grace Poe na nakakuha sa mahigit 43 porsyento ng boto, malayong pangalawa si Senador Francis Escudero na may 10 porsyento lamang, Pangatlo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, pang-apat si Sec. Mar Roxas, pang-lima si Senador Bongbong Marcos, pang-anim si Vice President Jejomar Binay, pang-pito si Sen. Miriam Santiago, pang-walo si Senador Antonio Trillanes, pang-siyam si dating Senador Ping Lacson at pang-sampu si Senador Allan Peter Cayetano na may tatlong porsyentong boto.
Pinakahuling pumasok na boto sa Boses ni Juan ay nagmula sa Mega Manila na kinabibilangan ng Cavite, Laguna, Quezon at iba pang karatig na lalawigan.
Matatandaan na si Duterte ang nanguna noong nakaraang linggo sa Boses ni Juan makaraang pumasok ang mga boto mula sa Visayas at Mindanao.
By Len Aguirre
https://www.dwiz882am.com/index.php/boses-ni-juan-2016-survey-result/