Nagbanta si United Nationalist Alliance (UNA) Interim President at Navotas City Representative Toby Tiangco ng kasong perjury dahil sa umano’y maling impormasyon sa Certificate of Candidacy o COC ni Senador Grace Poe noong 2013.
Iginiit ni Tiangco na kapos ang period of residency ni Poe para tumakbo sa 2016 kung pagbabatayan ang inilagay nito sa COC noong 2013 nang tumakbong senador.
Pumalag naman si Poe sa banta ni Tiangco.
Ayon sa senadora, hindi makatwirang akusahan siyang nagsinungaling dahil kung tutuusin aniya, taong 2005 pa siya nakatira sa Pilipinas dahil naka-enroll na noon ang kaniyang mga anak dito at inaayos ang estate ng pamilya.
By Meann Tanbio