Inihayag ni United Nationalist Alliance (UNA) Interim President at Navotas City Rep. Toby Tiangco na hindi kwalipikadong tumakbo bilang Pangulo o Bise Presidente sa 2016 elections si Senador Grace Poe.
Tinukoy ni Tiangco ang nakasaad sa Article VII, Section 2 ng 1987 Constitution kung saan kailangang residente ng Pilipinas sa loob ng 10 taon ang sinumang tatakbo bilang Pangulo o Bise Presidente bago ang takdang halalan.
Kung pagbabasehan ang pinanumpaang certificate of candicacy ni Poe na ginamit noong 2013 elections, 6 na taon at anim na buwan pa lamang siyang nakatira sa Pilipinas.
Sinabi ni Tiangco na kung dadadagan ito ng tatlong taon na iginugol ni Poe bilang senador, pumapatak na 9 na taon at 6 na buwan pa lamang itong naninirahan sa bansa.
Aniya, kulang pa ito ng anim na buwan kung gugustuhin ni Poe na tumakbo sa mas mataas na posisyon sa gobyerno.
By Meann Tanbio