Ipinahiwatig ni Senator Grace Poe na hindi siya kandidato ng isang partido o pulitiko kundi kandidato ng taumbayan.
Ito ang binigyang diin sa DWIZ ni Professor Prospero de Vera matapos ideklara ng senadora ang kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo sa susunod na taon.
Ayon kay de Vera, kapansin-pansin kasi sa isinagawang programa sa University of the Philippines (UP) na walang mga nagsalitang pulitiko.
Subalit, giit ng political analyst dapat gawing mas malinaw ni Poe ang kanyang plataporma de gobyerno.
“Na maaaring magkasundo tayo sa kagustuhang mangyari pero ‘yung kung papaano magagawa ito maaaring hindi tayo magkasundo o maaaring hindi viable, so ang mga debateng ‘yan ay magsisimula lamang kapag nilagyan na ni Grace Poe ng laman ‘yung balangkas ng kanyang plataporma ng pamahalaan.” Pahayag ni de Vera.
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit