Kinuwestiyon ni Senador Grace Poe ang inirereklamong mga pagbabago sa regulasyon ng LTFRB sa mga TNVS.
Ayon kay Poe, nais niyang malaman ang dahilan ng pagbabago ng isip ng ahensiya at nilabag nito ang sarili nitong kautusan.
Aniya, dapat na maging consistent ang LTFRB dahil hindi naman ito makatarungan para sa mga namuhunan at apektado rin ang mga pasahero.
Sa kabila nito, umaasa si Poe na magiging maganda ang mga magiging bunga ng diyalogo sa pagitan ng LTFRB at TNVS kasunod ng ikinasang transport holiday.
Matatandaang pinalagan ng ilang TNVS group ang pabago bagong requirements ng LTFRB para sa pagkuha ng prangkisa.