Sa kabila ng panibagong disqualification case na isinampa laban sa kanya ng isang Prof. Antonio Contreras sa COMELEC, matatag ang paniniwala ni Sen. Grace Poe sa merito ng legal niyang katayuan.
Kumpiyansa si Poe na kwalipikado siyang tumakbo sa pagka-Pangulo dahil nasa panig umano niya ang batas at isa siyang natural-born citizen.
Giit ni Poe, naniniwala siyang hindi magtatagumpay ang panibagong reklamo laban sa kanya at mabibigyang daan ang kagustuhan ng taumbayan.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)