Inihayag ng kampo ni Senadora Grace Poe na mabibigo na silang magbigay ng sample ng kaniyang DNA ngayong araw.
Kasabay ito ng deadline na ibinigay ng Senate Electoral Tribunal na dumirinig sa disqualification case laban sa kaniya na inihain ng presidential candidate na si Rizalito David.
Tumungo sa tanggapan ng SET ang abogado ni Poe na si Atty. George Garcia kung saan, isinumite nito ang manifestation gayundin ang dokumentong nagsasabing hindi nag-match ang DNA samples ng senadora sa mga hinihinala niyang kamag-anakan.
Dahil dito, inihayag din ni Garcia na handa na ang senadora sa kung anuman ang magiging kahihinatnan ng kaso kaya’t payag na rin silang umusad ito.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)