Nangunguna pa rin ang re-eleksyunistang si Senator Grace Poe sa pre-election survey ng mga senatorial candidate para sa May 13 midterm polls.
Sa Social Weather Stations (SWS) survey noong January 23 hanggang 26, umabot sa 64 percent ang voter preference ni Poe; sinundan ni Senator Cynthia Villar na 57 percent voter preference; dating Senador Lito Lapid, 44 percent; dating Taguig Representative Pia Cayetano, 43 percent; dating Presidential Aide Bong Go at re-electionist Senator Sonny Angara na tabla sa 5th at 6th na kapwa nakakuha ng 41 percent.
Ito ang unang beses na nakapasok si Go sa tinaguriang magic 12 sa survey.
Pasok sa 7th spot si Senator Nancy Binay, 39 percent; dating Interior Secretary Mar Roxas at dating Senator Bong Revilla na tabla sa 8th at 9th spot na kapwa nakakuha ng 38 percent voter preference, mga re-electionist senator na sina Koko Pimentel, 36 percent at Bam Aquino habang nasa ika-labindalawang puwesto si dating Senator Jinggoy Estrada na may 31 percent voter preference.
Bigo namang makapasok sa magic 12 sina dating PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa na lumagpak sa 13 spot na may 29 percent voter preference at Ilocos Norte Governor Imee Marcos, 28 percent.
—-