Sa kabila ng citizenship issue, tuloy ang paghahain ng certificate of candidacy ni Senador Grace Poe sa Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na linggo.
Ayon sa source, ipupursige pa rin ni Poe ang kanyang presidential bid sa 2016 elections sa kabila ng disqualification case na kinakaharap niya sa Senate Electoral Tribunal o SET.
Binanggit din ng source na sasamahan si Poe ng kanyang ina na si Susan Roces sa paghahain nito ng kanyang kandidatura sa tanggapan ng COMELEC sa Intramuros, Maynila.
Una nang inihayag ni SET Spokesman at Secretary Irene Guevarra na maaaring mag-file ng COC si Poe dahil hindi naman apektado ng kinakaharap nitong quo warranto case ang kagustuhan niyang sumabak sa halalan.
By Meann Tanbio