Patay na nang matagpuan ang nawawalang 17 – anyos na binatilyong si Vaughn Dicang sa Baguio City.
Ayon sa mga otoridad, mismong mga kaanak ni Vaughn ang nakakita sakanya sa Balacbac creek sa Barangay Sto. Tomas.
Base sa inisyal na imbestigasyon, nasa ‘state of advance decomposition’ na ang bangkay ng binatilyo.
Sa ngayon ay isasailalim ang katawan ni Vaughn sa otopsiya para sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng otoridad.
Si Vaughn ay Grade 12 student sa University of Baguio Science High School.
Napaulat na nawawala ang binatilyo noong umalis ito ng kanilang bahay noong Setyembre 1 at hindi na bumalik.