Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang grade 12 student dahil sa pagpapakalat umano ng sex video ng isang babaeng estudyante sa Hinigaran, Negros Occidental.
Ayon sa Hinigaran Police, ang 17-anyos na biktima ay pinagsasaksak ng dalawang hindi pa nakikilalang indibidwal na dumating sakay ng motorsiklo habang nakaupo sa isang bangko ilang metro ang layo mula sa kanilang bahay
Nagtamo ang biktima ng mga saksak sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan dahilan ng kaniyang agarang pagkamatay
Tinitingnan ng pulisya ang paghihiganti bilang posibleng motibo sa insidente dahil ang biktima ay inakusahan ng pagkalat ng sex video.