Natagpuan wala ng buhay ang isang grade 2 pupil na babae na nakasilid sa sako sa isang masukal na lugar sa Barangay Conel sa General Santos City
Ayon sa Police Regional Office-12, posibleng ginahasa muna bago pinaslang dahil nadatnan nila na hubad ang bangkay ng biktimang si Princess Ariane Cabucos at may damit na nakapulupot sa kanyang leeg na ginamit sa pagsakal hanggang binawian ng buhay.
Unang iniulat ng mga kapamilya sa General Santos City Police Station 9 na nawawala noong Linggo ng March 10, 2024.
Unang natagpuan ang bangkay ng menor-de-edad ng mga residente ng Purok 9 sa Barangay Conel na agad nilang iniulat sa pulisya
May nakitang mga damit at mga kutsilyo ang mga pulis malapit sa crime scene kung saan nakita ang mga labi ng paslit na hinihinalang pag-aari ng gumahasa at pumatay sa biktima.