Hindi pa pinapayagan ng DEPED ang mga estudyanteng nasa junior high school o grades 7 hanggang 10 sa pilot testing ng limitadong face-to-face classes.
Kabilang na rito ang 95 public elementary school, limang public senior high school at dalawampung private elementary schools.
Nilinaw ng DEPED na pinayagan lamang ang limited face-to-face classes sa mga low-risk area o mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Tatagal lamang ng dalawang buwan ang pilot implementation ng face-to-face classes.
Sa datos ng kagawaran, mahigit 47K ang public schools habang nasa 13K ang private schools sa buong bansa. —sa panulat ni Drew Nacino