Bagsak ang gradong ibinigay ng ilang health experts sa tugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Dr. Joshua San Pedro, co-founder ng Coalition for Peoples Right to Health, bagsak talaga sa usapin ng effectiveness ang tugon ng gobyerno dahil parang bumalik tayo sa simula pa lamang ng pandemya.
Pinuna naman ni Associate Professor Maria Corazon Tan ng college of social work and community development ng UP ang maling approach ng pamahalan sa pagsugpo ng pandemya.
Bigo anya ang pamahalaan sa usapin ng transparency, accountability at respect for human rights at sa pagkilala sa critical support na kailangan ng mga local government units para tugunan ang pandemya.
F naman ang grado ni UP Diliman Chancellor at Professor emeritus Michael Tan sa COVID-19 response ng gobyerno.
Dahil anya sa police centric approach ng gobyerno, nagmistulang giyera laban sa mahirap ang dapat sana ay giyera kontra sa COVID-19.