Binigyan ni Sen. JV Ejercito ng gradong 7 out of 10, ang unang 100 araw ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Ejercito, ito ay dahil tanging ang kampanya sa ilegal na droga at kriminalidad lamang ang tinutukan ng Pangulo.
Umaasa si Ejercito na hindi mapapabayaan ang ibang bagay katulad ng infrastructure at power generation na mahalaga para sa paglago ng ekonomiya.
Samantala, hinimok naman ni Sen. Joel Villanueva ang Pangulo na samantalahin ang maganda nitong net satisfaction rating upang isulong ang mga reporma tulad ng FOI bill, tax reform at ang hinggil sa kontraktwalisasyon.
By: Katrina Valle / Cely Bueno