Kumpirmado na ang pagbubukas ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) ng limited face-to-face classes matapos ang dalawang taon.
Nito lamang nakaraan ay sinabi ng Commission on Higher Education (CHED) na kumpleto nang naipasa ng UPLB ang mga kinakailangang dokumento sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No. 2021-011 ng kanilang ahensiya at Department of Health para sa limitadong pagbabalik eskwela ng napiling 98 na magaaral.
Sumailalim naman sa masusing inspeksiyon ang mga laboratoryo na gagamitin ng mga naturang estudyanteng babalik sa paaralan sa tulong ng CHED Regional Office IV.
Noong Nobyembre matatandaang inanunsiyo ng CHED na pinapayagan na ang limited face-to-face classes sa ilalim ng Alert level 2. —sa panulat ni Mara Valle