Makatatanggap mula sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang mga mag-aaral sa kanilang nasasakupan partikular na iyong mga magsisipagtapos ngayong taon.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano ito’y bahagi ng kanilang lifeline assistance for neighbors in-need scholarship program basta’t sila’y naka-enroll sa anumang technical vocations, certificate o baccalaureate course sa lungsod.
Ayon sa alkalde, bawat graduating students ay makatatanggap ng scholarship vouchers na nagkakahalaga ng 15,000 para sa mga top 1 sa grade 6, 10 at 12.
Gayundin ang mga estudyanteng magiging top 2 at 3 maging ang iba pang mag-aaral na mangunguna sa kanilang mga klase.