Tuloy ang gagawing pagmamartsa ng mga magsisipagtapos na mga mag-aaral sa Albay.
Ito ay kahit nananatili pa rin ang libu-libong mga inilikas na residente sa mga paaralan na ginawang evacuation centers dahil sa pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, magsasagawa sila ng mga ‘make – up’ at emergency classes.
Bukod sa pagpapatuloy ng mga klase, nagbibigay din ng ‘psychological first aid’ ang Department of Education o DepEd sa mga estudyante para sa nararanasan nilang emotional stress sa kasalukuyang sitwasyon sa kanilang lugar.
Nakatakdang ganapin ang moving up ceremony para sa mga tutungtong ng senior high school at ang graduation ceremony sa mga kinder pupils at senior high students sa Abril.
—-