Ibinasura ng 1st Division ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating TESDA Director General Augusto Syjuco kaugnay sa kontrobersyal na fertilizer fund scam.
Sa inilabas na resolusyon ng korte , kinatigan nito ang “motion to quash” ni Syjuco na humihiling na maibasura ang kanyang kaso dahil sa mabagal na pag – usad nito.
Pinaboran ng korte ang argumento ni Syjuco na nalabag ng Office of the Ombudsman ang kanyang karapatan para sa “speedy disposition” dahil inabot ng mahigit 11 taon bago naisampa ang kaso mula nang maihain ang reklamo noong 2004.
Kasabay nito , inalis na rin ang inisyung hold departure order laban sa dating opisyal.