Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Makati Mayor Elenita Binay.
Sa resolusyon ng Sandiganbayan 5th division, kinatigan nito ang demurrer of evidence na inihain ng dating alkalde.
Nag-ugat ang kasong graft ni ginang Binay sa mga umano’y overpriced furniture na binili ng lokal na pamahalaan ng Makati.
Higit sa 5 Milyong Piso ang umano’y sobra sa biniling mga furniture.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc