Ibinasura ng Sandiganbayan ang graft charge laban kay state witness Marina Sula kaugnay sa pagkakasangkot umano nito sa fertilizer fund scam.
Batay sa resolusyon, inaprubahan ng 5th Division ng Sandiganbayan ang motion to dismiss ni Sula na napagkaitan anito ng karapatan para sa speedy trial dahil inabot ng labing dalawang (12) taon bago sumulong ang kaso nito.
Binigyang diin ng Anti-Graft Court na hindi makatuwiran at kontra sa proteksyong dapat ibigay ng konstitusyon ang mahigit sampung taong imbestigasyon sa isang kaso.
Nag-ugat ang nasabing kaso laban kay Sula sa umano’y maanomalyang pagbili ng 3.2 million pesos na halaga ng liquid fertilizers mula sa masaganang ani para sa Magsasaka Foundation Incorporated noong taong 2004 ng walang public bidding.
_____