Pinakakasuhan ng graft ni Ombudsman Conchita Carpio Morales si dating Camarines Norte Governor Jesus Typoco kaugnay sa fertilizer fund scam.
kabilang naman sa mga kapwa akusado ni typoco sina provincial accountant maribeth malaluan, bid and awards committee members Jose Atienza, Lorna Coreses, Cesar Paita, Rodolfo Salamero at Jose Rene Ruidera at maging ang mga pribadong indibidwal na si Alex Rivera ng Hexaphil Agriventures Incorporated.
Bukod sa kasong graft, ang mga respondents maliban kay Typoco ay pinakakasuhan din nang paglabag sa republic act 9184 o government procurement reform act
Ini award ni Typoco at Bac sa Hexaphil ang pagbili ng mahigit 7,000 bote ng liquid fertilizer ng walang public bidding, matapos makakuha ng P4 Million para sa pagbili ng agricultural supplies.
Napatunayan din ng Ombudsman na hindi lehitimong kumpanaya ang Hexaphil na walang business permit o license to operate.
By: Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)