Hindi nakaligtas sa matatalim na mata ng maraming netizens ang anila’y mali at malalalim na salita sa pa sample na English TV lesson na ginawa ng Department of Education (DepEd).
Ayon sa netizens maraming gramattical error na hindi maintindihan ng mga mag aaral sa test run sa broadcast modality ng DepEd.
Sa kaniyang post sa Facebook sinabi ni Citas Aquino, isang communication skills trainer mali ang grammar sa isang salita sa ginawang English TV lessons ng DepEd para sa grade 8 na halimbawa ay “Tagaytay City is known for wonderful picturesque of the majestic Mount Taal. What does picturesque mean?”.
Ayon kay Aquino grammatically incorrect ito at ang mga salita ay walang kinalaman o kaugnayan sa isat isa.
Nagpasalamat naman ang DepEd sa napansing mali sa grammar subalit binigyang diin na maliit na bagay lamang ito kumapara sa anila’y ginagawa nila para mas mapaayos ang online learning.
Nangako si Education Undersecretary Alain Pascua na aayusin nila ang pagkakamali bago ang official broadcast sa August 24.