Dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19, ipinagpaliban ang Grammy Awards ceremony na gaganapin sana sa January 31 sa Los Angeles Staples Center.
Batay sa inilabas na pahayag ng Recording Academy, nananatiling prayoridad nila ang kaligtasan ng music community, mga audience, at kanilang mga staff.
Kabilang sa leading nominees para sa 64th annual show sina Justin Bieber, Billie Eilish at Filipino-American pop singer na si Olivia Rodrigo.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na petsa ang recording academy para sa 2022 edition ng grammy awards.