Isang MK2 fragmentation grenade ang narekober sa harapan ng UE o University of the East sa Recto Maynila kaninang umaga.
Batay sa ulat pasado alas-5:00 kaninang umaga nang mapansin ng isang street sweeper ang nasabing granada at ini-report sa mga pulisya.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng MPD o Manila Police District at pansamantalang isinara ang bahagi ng Claro M. Recto.
Dakong alas-6:45 na nang madeklara nang clear ang lugar at buksang muli ang isinarang kalsada.
Ayon sa pulisya, posibleng itinapon ang nasabing granada kagabi ng mga hindi pa nakikilalang salarin matapos malamang may checkpoint sa kanto ng Morayta.
Hindi naman anila, tinanggal ang safety pin ng narekober na granada at posibleng hindi planong pasabugin ito.
Samantala, tuloy naman ang klase sa UE matapos na masigurado na ang seguridad sa unibersidad.
By Krista de Dios / (Ulat ni Aya Yupangco)