Aarangkada na ang grand caravan ng tandem nina presidential candidate at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ngayong araw.
Magsisimula ang motorcade sa Eastbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City sa tapat ng Commission on Audit, mamayang ala syete y medya ng umaga.
Daraan ang motorcade sa Commonwealth Avenue at Quezon Avenue at magtatapos sa welcome Rotonda na nasa boudary ng mga lungsod ng Quezon at Maynila.
Inorganisa ang aktibidad ni Malayang Quezon City tandem nina Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor at Quezon City Councilor Winston Castelo.
Orihinal na nakaplano ang caravan sa Quezon Memorial Circle pero ini-atras ito nina Defensor at Castelo makaraan umanong paghintayin nang matagal ng Quezon City Local Government.