Taliwas sa inaasahan, bahagya lamang ang naging epekto sa daloy ng trapiko ang isinagawang grand evangelical mission ng religious group na Iglesia ni Cristo.
Ayon kay North Luzonn Expressway Spokesman Francisco Dagohoy, naging maayos naman ang naging koordinasyon sa kanila ng pamunuan ng INC hanggang sa matapos ang kanilang aktibidad.
Tinatayang nasa 160 traffic patrol personnel ang ipinakalat sa NLEX kasama ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at ng mga Pulis Bulacan upang tumulong sa pagsasaayos ng trapiko sa lugar.
Tagumpay naman itinuturing ni Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC dahil sa dagsa ng mga nagsidalo sa dakilang pamamahayag na ito na pinangunahan ng tagapamahalang pangkalahatan na si Bro. Eduardo Manalo.
By: Jaymark Dagala