Ipina-subpoena ng mababang kapulungan ng Kongreso ang presidente ng Granstar Motors and Industrial Corporation na si Fabian Go, na sinasabing supplier ng mga sasakyan ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte.
Ito ay matapos mabigong dumalo ni Go sa pagdinig ng House Committee on Good Government kaugnay ng anomalya sa pagbili ng mahigit P66-M halaga ng mga sasakyan ng lalawigan, ngayong araw.
Si Go ay inimbitahan sa Kongreso para bigyang linaw ang usapin sa pagbili ng mahigit 100 sasakyan ng Ilocos Norte gamit ang Tobacco Excise Tax at cash advance.
Sakaling hindi dumalo muli si Go sa susunod pang pagdinig ng Kamara de Representates ay iisyuhan na ito ng show-cause order at arrest warrant.
Samantala, kasamang dumalo ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa pagdinig sa Kongreso ngayong araw ang kanyang kapatid na si dating senador Bongbong Marcos, inang si Congressman Imelda at mga anak na si Borgy, Michael at Matthew Manotoc.