Nababawasan pa ang bilang ng mga lugar sa bansa na isinasailalim sa granular lockdown kasabay ng pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), umabot na lamang sa 251 ang bilang mga mga nakapailalim sa granular lockdown mula sa mahigit 1 libo nuong Enero.
Gayunman, nangunguna pa rin ang Cordillera sa mga rehiyon sa bansa na may pinakamaraming granular lockdown areas na nasa 139, sinundan naman ng Ilocos Region na may 83, NCR na may 16 at Cagayan na may 13.
Sa mga nabanggit na lockdown areas, sinabi ng PNP na aabot sa 363 na indibiduwal ang apektado ng mga lockdown areas sa bansa.
Patuloy namang magkatuwang ang Pulisya at Force Multipliers sa pagbabantay sa mga apektadong lugar upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)