Kasado na ang granular lockdown sa dalawang purok sa Iriga City, Camarines Sur makaraang magdulot ng matinding hawahan ng COVID-19 ang mga nag-inumang residente.
Ayon kay City Social Welfare and Development Officer Maridel Verrosa noong Abril 29 nag-umpisa ang lockdown sa Zone 1 at 2 sa Barangay Santiago.
Natuklasan na sampung tao ang nagpositibo sa coronavirus dahilan upang ikasa ang mahigpit na quarantine measure.
Sinasabing halos 300 pamilya naman ang apektado ng naturang lockdown.