Suportado ng World Health Organization (WHO) ang hakbang ng pamahalaan na magpatupad ng granular lockdown para makontrol ang lalo pang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, kasabay dapat ng naturang hakbang ay pagkakaroon ng mas maayos na datos patungkol sa pagkilos ng COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa mga dapat lamanin ng maayos at validate aniya na datos ay ang bilang ng mga pasyente; ang bilis ng naisasagawang testing; ang positivity rate ng virus, maging ang mga clustering ng mga kaso ng virus.
Giit pa ng opisyal na mahalagang matukoy sa ngayon kung saan nanggagaling o saan nagaganap ang tramission o pagkalat ng COVID-19 at mga variants nito.
Sa huli, binigyang diin ni Dr. Abeyasinghe na magkakaroon lamang ng maayos at tamang impormasyon patungkol sa estado ng COVID-19 response ng ating pamahalaan kung magkakaroon ng mas agresibo pang contact tracing na ‘weakest link’ aniya ng bansa.