Nagpatupad ng granular lockdown ang Parañaque sa dalawang eskinita sa Barangay San Dionsio bilang preventive measure laban sa isang pinaghihinalaang kaso ng delta variant.
Ayon kay Mayor Edwin Olivarez epektibo ang lockdown kahapon, Hulyo 29 sa eskenita sa bahagi ng Tramo Street matapos na magpositibo sa COVID-19 ang anim sa walong miyembro ng pamilya.
Ani Olivarez, hindi na nila hinintay ang genome sequencing, sa halip ay agad na silang nag lockdown sa lugar para agad na makontrol ang pagkalat ng virus.
Asymptomatic umano ang mga nagpositibo sa COVID-19 at kasalukuyan silang nasa isolation facility.