Nagbabala ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa mga tobacco companies.
Ito’y sa sandaling hindi magsitalima ang mga ito sa batas na nagtatakda ng paglalagay ng graphic warning o mga larawang nagpapakita ng mga peligrong dulot ng paninigarilyo sa mga pakete nito.
Ayon kay PhilHealth President Atty. Alex Padilla, mahaharap sa kasong administratibo o kriminal ang mga nasabing kumpaniyang hindi susunod sa nasabing batas.
Bukod sa kaso, pagmumultahin din ang mga tobacco companies at posibleng matanggalan pa ng lisensya ang mga ito.
Ngunit aminado si Padilla na mahihirapan sila pagdating sa mga nagbebenta ng tingi-tinging sigarilyo partikular na iyong mga tinatawag na tagatak boys.
May hanggang Nobyembre ng susunod na taon ang mga nagtitinda ng tobacco products para tumalima sa nasabing batas.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal